-- Advertisements --

Tiwala si NBA Champion Kyrie Irving na malaki pa rin ang tyansa ng Dallas Mavericks na bumangon mula tatlong magkakasunod na pagkatalo nila sa Boston.

Sa kasalukuyan ay hawak ng Boston ang 3 – 1 na kartada ngunit ayon kay Boston, nagawa ng Cleveland na bumangon noong 2016, kasama si Lebron James, ang tinaguriang NBA King.

Inabot aniya ang Cavs sa Game 4 bago tuluyang bumangon ang buong koponan at tuluyang tinalo ang Golden State Warriors sa pamamagitan na rin ng pagtutulungan ng lahat ng players.

Ayon kay Irving, may posibilidad na magagawa pa nila ito.

Samantala, nainiwala naman si Irving na hindi magiging ‘friendly’ ang crowd sa Boston sa kanilang paglalaro bukas, June 18.

Gayonpaman, haharapin aniya nila ang ganitong crowd at maglalaro ang Mavs sa abot ng makakaya.

Sa kasalukuyan, hindi pa nagagawa ni Irving na manalo sa court ng kanyang dating koponan matapos ang kanyang paglisan noong 2019. Hawak ni Irving ang 0 – 12 win/loss record kapag naglalaro sa TD Garden