-- Advertisements --

Pinahiya ng San Antonio Spurs ang NBA defending champion na Milwaukee Bucks, 102-93.

Ang panalo ng Spurs sa pagdayo sa Bucks ay natuldukan na rin ang apat na sunod na talo.

Sa ngayon may 1-4 record na ang Spurs sa bagong NBA season habang ang inaalat na Bucks ay hawak naman ang 3-3.

Nanguna sa opensa ng Spurs ang point guard na si Dejounte Murray na nagbuhos ng 16 points sa 4th quarter mula sa kabuuang 23 puntos.

Sinamantala ng Spurs ang hindi paglalaro ni Jrue Holiday dahil sa injury.

Si Giannis ay nagtapos sa 28 points at 13 rebounds. Pero minalas din dahil nasa foul trouble sya sa 2nd half.