-- Advertisements --

Laglag na sa NBA playoffs ang defending champion na Los Angeles Lakers matapos na hindi kinaya ang Phoenix Suns sa Game 6 ng first round, 113-100.

Para sa Suns ito naman ang kanilang unang panalo sa unang round ng playoffs mula pa noong taong 2010.

devin booker suns

Ito rin ang ikatlong sunod na panalo ng Suns sa Lakers sa kanilang best-of-seven series.

Dahil dito haharapin ng Phoenix ang Denver Nuggets sa second round.

Ang Game 1 ay itinakda sa Lunes at gagawin ito sa teritoryo ng Phoenix.

Sa first quarter pa lamang uminit na ng husto si Devin Booker kung saan nagpasok ito ng 22 big points mula sa kanyang kabuuang 47 points.

Malaking tulong din ang ginawa ni Jae Crowder na nagtapos sa 18 points para sa second-seeded na Suns at si Chris Paul na nagpakita ng eight points at 12 assists.

Ang big man na si Anthony Davis ay pumasok sa laro pero pagkalipas lamang ng halos limang minuto sa first quarter ay namilipit na ito sa sakit sa kanyang groin injury.

Paglabas nito ng game ay hindi na nakabalik pa.

Nagkasya na lamang sa paghahabol sa score ang Lakers hanggang sa matapos ang game.

Kung maalala bago dumanas ng injury si Davis ay abanse pa sa serye ang Lakers

Ang eight-time All-Star na si Davis ay hindi na nakalaro pa sa Game 4 at Game 5.

Nasayang naman ang ginawa ni LeBron James na may 29 points, nine rebounds at seven assists.

Natikman ni LeBron ang kanyang unang pagkatalo sa first-round series sa kanyang 18-year NBA career.

Samantala, tanggap naman ni James ang kanilang pagkatalo at binati si Booker sa matindi nitong performance.

“I love everything about D-Book,” James. “When you want to be legendary in this game you’ve got to continue to improve not only your game but also as a man.”