Ibinunyag ni NBA commissioner Adam Silver na pinapasisante umano ng China ang isang Houston Rockets executive dahil sa pagsuporta nito sa pro-democracy protesters sa Hong Kong.
Magugunitang nag-ugat ang isyu sa tweet ni Rockets general manager Daryl Morey, na naging dahilan para umalat ang relasyon ng pamunuan ng liga at ng China.
“We were being asked to fire him by the Chinese government,” wika ni Silver sa isang panel discussion sa New York. “We said there’s no chance that’s happening. There’s no chance we’ll even discipline him.”
Sinabi rin ni Silver na nagdulot ng “big toll” sa bottom line sa liga ang dispute sa mga aksyon ni Morey.
“I don’t know where we go from here,” ani Silver. “The financial consequences have been and may continue to be fairly dramatic.”
Sinagot din ni Silver ang mga batikos ukol sa inisyal na pahayag ng NBA tungkol sa mga tweet ni Morey, kung saan napapaloob ang salitang “regrettable.”
Umani kasi ito ng kaliwa’t kanang pag-alma mula sa ilang mga personalidad, na mistula raw yumuyuko ang NBA sa demands ng Chinaa imbis na panigan ang kalayaan sa pamamahayag ni Morey.
Paliwanag ni Morey, ginamit ang salitang “regrettable” bilang tugon sa reaksyon ng gobyerno ng China, at hindi sa mismong tweet.
“Maybe I was trying too hard to be a diplomat,” ani Silver. “I didn’t see it as my role as the commissioner of the NBA to weigh in on the substance of the protest.”
Iginiit din ng liga sa kanilang komento na suportado nila ang karapatan ni Morey na maghayag ng kanyang opinyon ukol sa anumang isyu.
“We made clear that we were being asked to fire him, by the Chinese government, by the parties we dealt with, government and business,” sambit ni Silver. “We said there’s no chance that’s happening. There’s no chance we’ll even discipline him.”