Hindi ikinatuwa ni NBA commissioner Adam Silver ang mga naganap na NBA free agency.
Sinabi nito na pinaninindigan pa rin niya ang pagkakaroon ng “balance of power” sa mga team.
Marami aniyang mga koponan ang talagan pinipilit na kumuha ng mga magagaling na manlalaro para sila ay lumakas.
Ilan sa mga star player na nakalipat ng bagong teams ay sina Kawhi Leonard, Kevin Durant, Kyrie Irving at Kemba Walker.
Ikinadismaya rin nito ang pagsasapubliko ng mga manlalaro na sila ay ilipat.
Ang mga trade demands aniya ay talagang nakakalungkot sa koponan at tila nagpapakita ng pagiging makasarili ng isang manlalaro na ang iniisip lamang ay ang personal na interest.
“My job is to enforce a fair set of rules for all our teams and a set of rules that are clear and make sense for everyone,” ani Silver. “Trade demands are disheartening. They’re disheartening to the team. They’re disheartening to the community and don’t serve the player well. The players care about their reputations just as much. So that’s an issue that needs to be addressed.”