Pinanigan ni NBA Commisioner Adam Silver ang Houston Rockets matapos ang pagpapahayag nito ng suporta sa mga nagsasagawa ng kilos protesta sa Hong Kong.
Ayon kay Silver na karapatan ni Rockets General Manager Daryl Morey, na maglabas ng kaniyang hinaing o tinatawag ng freedom of speech.
Alam din nito na may kakaharapin na “consequence” ang ginawang ito ni Morey.
“Daryl Morey, as general manager of the Houston Rockets, enjoys that right as one of our employees,” ani Silver sa presscon. “What I also tried to suggest is that I understand there are consequences from his freedom of speech and we will have to live with those consequences.”
Magugunitang ikinagalit ng China ang Tweet ni Morey na kaniyang sinusuportahan ang mga protesters sa Hong Kong nang sabihin nito ang katagang “Fight for freedom, stand with Hong Kong” na kalaunan ay tinanggal din nya.
Binigyang diin naman ni Silver na hindi siya hihingi nang paumanhin sa naturang ginawa ni Morey.
Dahil dito ay hindi na ipapalabas ng China ang pre-season game ng NBA.