-- Advertisements --

Ginulat ng Minnesota Timberwolves ang NBA defending champion na Denver Nuggets matapos nila ito ilampaso sa naging laban nito para sa NBA Western Conference Semifinal – Game 2 ngayong araw.

Nanguna sa pagkapanalo ng Minnesota ang kanilang Center player na si Karl-Anthony Towns na nagpaulan ng 27 pts, 12 reb at 1 ast.

Umalalay rin sa pag-abante ng Minnesota sa susunod na round ang kanilang guard na si Anthony Edwards na kumamada ng 27 points, 2 reb at 7 ast.

Sa pagsisimula ng laban ay lumamang kaagad ang Timberwolves at nasundan pa ito sa ikalawang quarter ng laban.

Bahagya namang bumawi ang Nuggets sa ikatlong kwarter ngunit lumamang pa rin ang Timberwolves sa huling quarter ng game dahilan para tuluyan na itong manalo.

Sa ngayon, ang Timberwolves ay mayroon ng 2-0 na lead laban sa Nuggets.

Sa kabila naman ng effort ng Nuggets na ipanalo ang laro ay nabigo pa rin ito sa pangalawang pagkakataon ng pagtatangka.

Nasayang naman ang puntos ng center player ng Nuggets na si Nikola Jokic(yowkich) na kumamada sana ng 16 pts, 16 rebs at 8 ast.

Ginanap ang laban ng naturang team sa Ball Arena na pinanood ng libo-libong fans.