Wala umanong inaasahang ibababang desisyon ang NBA kung papatawan ng parusa ang mga teams na magboboykot sa nakatakdang pagbablik ng mga games sa susunod na buwan.
Una rito, lumutang ang isyu na may ilang teams ang kabado na sumali sa mga NBA games samantalang hindi pa rin nawawala ang banta ng deadly virus.
Habang ang ilan namang players ay abala sa pakikibahagi sa mga kilos protesta kasunod nang pagkapatay ng ilang pulis sa black American na si George Floyd sa Minneapolis.
Sinasabing kabilang sa nangangamba na sumali sa pagbabalik ng NBA games ay ang dalawang top teams at contenders na Lakers at Bucks.
Kung sakali, kabilang sa mawawala sa mga players ang kanilang sweldo na nakalaan sa bawat appearance sa mga laro.
Bagoi ito ay napagkasunduan na gagawin pansamantala ang mga laro bilang bahagi ng post season matapos ang first round sa Disney sa Orlando, Florida.
Ang Florida ay kabilang sa mga estado sa Amerika na nakakaranas nang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan sa kabuuan ay meron nang 64,904 habang mga nasa nasawi dulot ng deadly virus ay naitala naman sa 2,712.