-- Advertisements --

Nagtala ng come from behind win ang Sacramento Kings makaraang ipahiya ang Los Angeles Clippers, 106-102.

Namayani sa Kings si Bogdan Bogdanovic na umiskor ng 19 points, at umalalay din si Buddy Hield na kumamada ng 17 markers.

May tig-12 puntos naman sina De’Aaron Fox at Harrison Barnes.

Sinasabing malaking boost para sa Sacramento ang naturang tagumpay bago ang NBA restart, makaraang mabigo sila sa unang dalawa nilang tune-up games.

Habang ang Clippers naman ay talo sa kanilang huling scrimmage makaraang magwagi sa mga naunang laro.

Tumabo ng 19 points si Paul George, at may 17 si Kawhi Leonard para sa Clippers.

Haharapin ng Clippers ang LA Lakers sa opening night ng seeding games sa Biyernes.

Samantalang makakatunggali naman ng Kings ang San Antonio Spurs sa Sabado.