ILOILO CITY – Sentro ng atensiyon ngayon sa Canada ang 2019 finals ng National Basketball Association (NBA) sa pagitan ng Toronto Raptors at Golden State Warriors.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo Alumni Association (BALA) Member at Bombo international correspondent Noel Relatos, sinabi nito na bagama’t hockey ang nangungunang laro sa Canada, nasapawan na umano ito ng NBA fever.
Ayon kay Relatos, inaabangan ng fans ng Raptors ang laro dahil ito ang kauna-unahang NBA finals ng team.
Hindi kagaya sa Pilipinas ayon kay Relatos, hindi pinapayagan ang pagpusta o anumang uri ng gambling sa Canada.
Sa ngayon, umaasa ang mga Canadian na tuloy-tuloy na ang panalo ng Raptors at maiuwi ang kampyeonato.
Napag-alaman na nagtapos ang game 1 sa score na 118-109 pabor sa Raptors samantala ang Game 2 naman ay gaganapin sa Lunes.