-- Advertisements --

Ipinahiya ng Boston Celtics ang katunggaling Dallas Mavericks sa balwarte nito sa Dallas, Texas.

Muli kasing pinataob ng Celtics ang Mavs sa ikatlong pagkakataon ngayong NBA Finals, kaya 3-0 na anf serye, pabor sa Boston.

Maagang umarangkada ang Dallas sa unang quarter pa lamang, kung saan gumawa sila ng 31 points, habang 30 naman sa Boston.

Pero sa mga sumunod na quarter ay nabaon na ang Mavs, hanggang sa pagtatapos ng laban na nagrehistro ng 106-99, pabor sa Celtics.

Nasayang ang 35 points ni Kyrie Irving at maging ang mga ambag nina Dereck Lively II at Luka Doncic, dahil hindi iyon naging sapat para makabangon ang team mula sa mga naunang pagkabigo.

Gaganapin ang Game 4 sa araw ng Sabado, June 15 sa homecourt pa rin ng Dallas.

Kung aabot naman sa Game 5 ang naturang laro, maghaharap sila sa June 18, araw ng Martes, sa homecourt ng Boston.