Sa unang pagkakataon ngayong 2024 NBA Finals ay tinambakan ng Dallas Mavericks ang karibal na Boston Celtics. Tinalo ng Mavs ang Boston – para ibulsa ang Game 4 at pwersahin ang Game 5.
Naging dominante ang laro ng Dallas sa pagsisimula pa lamang ng laro at kaagad nagbuhos ng 34 big points kumpara sa 21 points na sagot ng Boston.
Lalo pang nadagdagn ang kalamangan ng Dallas sa 2nd quarter nang ipasok ang 27 points habang nililimitahan ang Boston sa 14 points.
Sa pagtatapos ng 2nd quarter o first half ay hawak na ng Dallas ang 26 points na kalamangan, 61 – 35.
Sa unang half, nagawa ni Luka na magpasok ng 25 points habang 11 pts naman ang ambag ni Kyrie Irving. Para sa Boston, mistulang binuhat ni Jayson Tatum ang buong koponan gamit ang 15 points habang nalimitahan lamang sa 8 points ang ka-tandem na si Jaylen Brown.
Pagpasok ng 3rd quarter, halos umabot na sa 40 points ang kalamangan ng Dallas hanggang sa nagpahinga na sina Luka Doncic, Kyrie Irving, at iba pang starter, isang minuto bago pa ito matapos.
Natapos ang laban sa pagitan ng dalawa sa score na 122 – 84.
Sa loob ng 33mins lamang na paglalaro ay nagwa ni LukaMagic na magbuhos ng 29 points habang 21 points naman ang naging ambag ni Kyries na naglaro lamang ng 31 mins.
Bigating double-double ang ipinakita ni Dereck Lively II na gumawa ng 11pts, 12 rebounds sa loob lamang ng 22 mins na paglalaro.
Para sa Boston, ang 15 points ni Jayson Tatum lamang ang pinakamalaking individual points.
Babalik naman sa TD Garden ang Game5 sa pagitan ng dalawang team. Hawak pa rin ng Boston ang lead, 3 – 1.