-- Advertisements --
Raptors NBA

Bumaba umano ang nag-abang sa NBA Finals sa Amerika batay sa survey sa Game 1 kahapon ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Ayon sa mga analysts, ito raw ang lowest TV ratings sa NBA Finals sa nakalipas na isang dekada.

Gayunman sa labas ng Estados Unidos lalo na sa Canada nagtala naman ito ng kasaysayan bilang most watched NBA game.

Binasag ng Canada ang record lalo na at ito ang unang pagkakataon na umusad sa finals ang Raptors.

Aminado si NBA Commissioner Adam Silver na maaaring kabilang sa dahilan nang pagbaba ng rating ng NBA Finals sa Game 1 ay dahil sa unang pagkakataon ay walang LeBron James.

Inabot din kasi ng walong taon na palaging umaabot sa NBA finals ang team ni LeBron lalo na noong kasagsagan ng rivalry nila ng Warriors.

Sinasabing maging sa playoffs ay bumaba rin ang viewership ng NBA matapos na matanggal ang Los Angeles Lakers ni James.

“I also pay a lot of attention to the numbers in Canada, where we set an all-time record for viewership,” ani Silver. “In the U.S., I recognize it’s a changing television marketplace. We knew we would be down a bit by virtue of both not having two U.S. markets and we’ve come off eight years of having LeBron James in the finals.”