-- Advertisements --

Nagbalik tanaw ang mga fans sa NBA Finals bubble noong nakaraang taon nang magharap muli nitong araw ang magkaribal na Los Angeles Lakers at Miami Heat.

Lalo na at ipinakita sa half time ang video nang makasaysayang pagkampeon ng Lakers.

Ito ang unang harapan ng dalawang team, apat na buwan ang nakakalipas mula sa Florida bubble.

Sa huli namayani ang Heat laban sa defending champions,  94-96.

bam adebayo jimmy butler miami heat
Miami’s 1-2 punch: Bam Adebayo and Jimmy Butler

Sinamantala ng Miami ang kawalan ng Lakers big man na si Anthony Davis at Dennis Schroder. Sinasabing aabutin pa raw ng isang buwan bago makabalik si Davis dahil sa tinamong injury.

Bagamat ilang players din ng Miami ang hindi nakapaglaro bunsod ng injury at health protocols.

Nanguna sa opensa si Kendrick Nunn para sa Heat nang magbuslo ng 27 points, habang uminit din siya sa three point area na may limang naipasok.

Si Jimmy Butler ay hindi naman nagpahuli nang mag-ambag ng 24 points at eight rebounds, habang si Bam Adebayo ay nagdagdag ng 16 points at 10 rebounds.

Nagmuntikan nang manganib ang Heat sa fourth quarter nang unti-unti silang mahabol ng Lakers.

Napako kasi sa 15 points ang score ng Miami.

Minalas pa si Alex Caruso sa huling segundo nang mabigong maipasok ang long jumper para sa LA na siya namang pagtunog ng buzzer.

Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Lakers na wala si Davis para sa kanilang 22-9 record ngayong season.

Sa Heat, ito ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang three game losses.

Sinasabing ang unit-unti pagbangon ng Miami ay nagbigay sa kanila ng kartada ngayon na 13-17 sa Eastern Conference.

Ito ay sa kabila na nasa ikawalong games na rin na hindi pa nakakalaro ang isa sa guard ng Miami na si Goran Dragic at si Avery Bradley bunsod ng mga injury.

Si Tyler Herro ay inabot lamang ng 14 minutos sa court at inilabas din bunsod na meron ding dinaramdam.

“We’re moving in the right direction now,” ani Nunn. “We dropped a couple early but we’re starting to give ourselves the best chance.

Samantala, nasayang naman ang halos triple-double ni LeBron James na may 19 points, 9 rebounds at 9 assists.

Si Kyle Kuzma ay doble kayod din na nagpakita ng 23 points at apat na three pointers.