Ngayon pa lang iba’t ibang katawagan na ang ibinibigay sa muling pagtutuos sa NBA finals ng defending champion na Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.
Sa Hunyo 2 na ang Game 1 ng best-of-seven series matapos dominahin ng Cavs ang Boston Celtics sa serye sa Eastern Conference.
Tinawag ng ilang analyst ang magaganap na “NBA Finals trilogy,” ang kaabang abang na banggaan muli sa ikatlong sunod na pagkakataon ng Warriors at Cleveland.
Ayon naman sa iba, may “unfinish business” ang dalawang magkaribal na koponan.
Kung maaalala noong nakaraang taon ay nasungkit ng Cavs ang titulo matapos makaganti sa Warriors sa una nilang championship matchup.
Sinasabing hindi mabibigo ang mga fans sa maaasahang “brilliant performance” sa
muling pagtutuos ng pinakamatitinding players ng liga na sina LeBron James, ang reigning MVP at dating MVP na si Stephen Curry.
Nagdagdag pa ng firepower ang Warriors sa pagkuha sa dati ring MVP na si Kevin Durant.
Hindi rin magpapahuli ang pagganda pa ng kondisyon ni Kyrie Irving ng Cavs at pantapat ng Warriors kay LeBron at bilang pang-asar na si Draymond Green.