Kumilos na rin ang NBA G League upang imbestigahan ang reklamo ng player na si Jeremy Lin, na tinawag umanong siyang “coronavirus” habang naglalaro sa court.
Kung maalala si Lin ay dating NBA player at inabot din ng siyam na taon sa liga.
Sumikat siya, limang taon na ang nakakalipas nang maging bahagi siya ng New York Knicks at binansagan siya noon na “Linsanity” dahil sa pambihira niyang performance.
Huli niyang team ay nang magkampeon naman ang Toronto Raptors hanggang aa napunta siya sa China.
Hanggang sa napasali siya sa G League dahil sa ambisyong makabalik ng NBA.
Si Jeremy ay isang Taiwanese-American at bahagi ng NBA Golden State Warriors’ team sa G League na Santa Cruz Warriors.
Maging si Warriors head coach Steve Kerr ay pinuri rin si Lin dahil sa matapang nitong pagsasapubliko ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng social media lalo na ang mga nararanasang racism laban sa Asian American community.
Kung maaalala maging si US Presidente Joe Biden ay kinondena rin ang nararanasang hate crimes ng mga Asian-Americans.
Sa FB post ni Lin, hindi naman nakadetalye kung saan nangyari ang insidente.
Ang kanyang team ay naglalaro ngayon sa G League bubble sa Orlando, Florida.
“Being an Asian American doesn’t mean we don’t experience poverty and racism.
Being a 9 year NBA veteran doesn’t protect me from being called “coronavirus” on the court,” ani Lin. “Being a man of faith doesn’t mean I don’t fight for justice, for myself and for others. So here we are again, sharing how we feel. Is anyone listening?”