Binigyang diin ngayon ng pamunuan ng NBA na hindi mangyayari na ititigil ang mga laro sa gitna ng COVID-19 outbreaks kung saan dumarami ang mga players na tinatamaan ng virus.
Ayon kay NBA commissioner Adam Silver hindi nila isususpinde ang season.
Nagsasagawa na rin sila ng pag-aaral at mga options kung lumalala pa ang sitwasyon.
Una rito, umaabot na sa mahigit 75 mga players ang isinailalim sa quarantine habang ang iba naman ay nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma rin naman ni Silver na 90% sa mga players na nahawa sa virus ay kinapitan ng Omicron variant.
Sa ngayon puspusan na ang pagsasailalim sa boosters shots sa mga players lalo na at 97% sa mga ito ay bakunado na.
Pinakabago namang inilagay sa quarantine ngayong araw ay ang ilan pang top NBA players na sina Fred VanVleet ng Toronto Raptors, ang mga Atlanta teammates na sina Danilo Gallinari at Clint Capela, habang nauna nang nasa health protocol din si Trae Young.