(Update) Mistulang lindol din ang gumulantang sa mundo ng NBA matapos lumutang ang isyu na pumayag na si NBA finals MVP Kawhi Leonard na pumirma sa Los Angeles Clippers.
Nagpadagdag pa sa pagkagulat ng mga sumusubaybay sa masalimuot na free agency ngayon sa NBA ang paglipat din ni Paul George mula sa Thunder patungong Clippers upang makipag-tandem kay Leonard.
Ang balita sa nakatakdang paglipat umano ng free agent at forward na si Kawhi sa Clippers ay kasunod nang impormasyon na mananatili raw ito sa kanyang kampeon na team na Toronto Raptors.
Maging ang ilang players ay halos hindi rin makapaniwala sa biglaang pagbabago ni Kawhi upang tanggapin ang apat na taon daw na kontrata sa halagang $142 million.
Inihalintulad naman ng Utah Jazz star na si Donovan Mitchell sa pagkumpara sa lindol ang development kay Leonard.
Bago kasi ang naturang isyu ay tumama ang 7.1 magnitude na lindol sa Southern California.
Hindi rin naman naitago ng Cavs player na si Kevin Love ang magulat, kasabay ng hula niya sa inaasahang mainitang rivalry ng Clippers at Lakers sa next NBA season.
Si Meyers Leonard ng Blazers ay “napa-wow!” na lamang.
Habang si Danny Green ay mistulang inantay lamang ang galaw ng teammate na si Kawhi at kinumpirma na rin ang paglipat niya sa Lakers upang makasama si LeBron James at ang nasungkit din ng koponan na bigtime player na si Anthony Davis.
Sinasabing nakakuha ng 2-year deal si Green sa Lakers sa halagang $30 million upang tuluyang bumitaw sa Raptors.
Ngayon pa lamang binansagan na ng ilang observers ang Clippers bilang isa sa powerhouse teams sa Western Conference matapos masungkit ang blockbuster deal.
May impormasyon din ang nagsasabi na ang kapwa taga-Southern California na sina George, 29, at Leonard, 28, ay nagpulong sa unang bahagi ng linggong ito.
Sinundan daw ito nang paghiling na ni George sa Oklahoma City para siya ay i-trade.
Narito pa ang iba’t ibang reaksiyon sa Kawhi at George tandem sa Clippers:
Jamal Crawford
This has been the craziest NBA summer ever!!!
Marc Stein
OKC acquired THREE unprotected first-round picks from the Clippers in this trade (2022, 2024 and 2026), league sources say, PLUS two firsts from Miami (2021 unprotected and 2023 protected 1-to-14) … AND the right to swap picks with the Clips in 2023 and 2025. Staggering
Adrian Wojnarowski
Free agent forward Kawhi Leonard has informed runners-up teams of his plans: He’s signing with the Clippers, league sources tell ESPN.
Andrew Bogut
Wow @NBA ! 😅
Josh Hart
YO WHAT IS GOING ON!!!!
Channing Frye
I love the nba! You can’t even make this up! Every game in the regular season is going to be a playoff game!
danilo gallinari
New adventure in OKC…
Thanks for everything LAC.
Andre Roberson
Interesting! 🧐🤔
DWade
Now that’s what I’m talking about!!!The NBA man!!!!!
Kevin Love
What in the world just happened????
Isaiah Thomas
OMG
Thad Young
Well that Kawhi Clippers situation escalated quickly with PG coming sheesh….. #KawhiWatch2019
Rudy Gobert
What it do babyyyyyy
Trae Young
This League is different man…. always something happening!!!
Meyers Leonard
Wait whatttttt. This night just got even more crazy (wasn’t sure that was possible) PG and Kawhi to the Clips!? Wow.