Pumanaw na ang basketball Hall of Fame center na si Bill Walton sa edad na 71.
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver na hindi na nito nakayanan ang pakikipaglaban sa sakit na cancer.
Dagdag pa nito na ang tagumpay nitong pagsisimula sa UCLA ay siyang nagtulak para maging NBA regular season at Finals Most Valuable Player, two NBA Championships at ang pagkilala sa kaniya noong ika-50 at 75th Anibersaryo ng NBA.
Pinangunahan ng 6-foot-11 center na si Walton ang UCLA Bruins sa national championships mula 1972 at 1973.
Naging number 1 overall pick siya ng Portland Trailblazers na siyang nagdala sa kampeonato ng koponan noong 1977.
Iginawad sa kaniya sa taong iyon ang NBA Finals Most Valuable Player at NBA regular season MVP.
Naging sagabal sa kaniyang career ang mga injuries kung saan umalis siya ng Portland at naglaro ito sa San Diego/ Los Angeles Clippers mula 1979 hanggang 1985 kung saan nagtamo siya ng mga injuries sa paa at tuhod.
Lumipat ito sa Boston Celtics at nabuhay ang kaniyang career noong 1986 at nagwagi siya ng NBA Sixth Man of the Year award kung saan tinalo nila noon ang Houston Rockets para makuha ang kampeonato.
Taong 1993 ng itanghal siya bilang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.
Matapos ang kaniyang basketball career ay naging basketball commentator na ito.
Naulila niya ang asawang si Lori at apat na anak na lalaki na naglalaro sa college basketball.
Ang anak nitong si Luke Walton ay nagwagi ng dalawang NBA titles sa Los Angeles Lakers kung saan tinagurian silang mag-ama bilang unang father-and-son combinatin na may maraming NBA rings.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang NBA legends at sports personalities matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Walton.