Pumanaw na ang NBA Hall of Famer Dikembe Mutombo sa edad na 58.
Kinumpirma ni NBA Commissioner Adam Silver ang pagpanaw ni Mutombo dahil sa brain cancer.
Sinabi ni Silver na hindi makakalimutan ang pagiging magaling ni Mutombo sa depensa lalo na sa pagiging greatest shot blockers at defensive players sa kasaysayan ng NBA.
Naging eight-time NBA All-Star player ito at apat na beses itong nagwagi ng Defensive Player of the Year award.
Mula 1991 hanggang 2009 ay naglaro ito sa NBA sa mga koponan ng Denver Nuggets, Atlanta Hawks, Philadelphia 76ers, New Jersey Nets, New York Knicks at Houston Rockets.
Habang ito ay naglalaro ay tinutulungan niya ang mga mamamayan niya sa Democratic Republic of the Congo.
Nagtayo siya doon ng foundation noong 1997 ganun din nagbukas siya ng mga paaralan at pagamutan sa pamamagitan ng charity.
Nagsilbi siya bilang unang Global Ambassadro ng NBA.
Noong Oktubre 2022 ng ianunsiyo niyang nagpapagamot siya ng kaniyang brain tumor.