-- Advertisements --
Dumistansiya ang pamunuan ng NBA sa kontrobersya sa pagitan ng Brooklyn Nets at isa sa superstar player nila na si Kyrie Irving na hindi pinayagang makalaro dahil sa hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Ito ay sa kabila na bukas na ang pormal na opening ng bagong season ng NBA.
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver ayaw nilang makisawsaw sa naturang isyu dahil ito ay panloob na usapin ng koponan.
Gayunman ayon kay Silver umaasa pa rin siya na sana sa huling sandali ay magbago ng isip si Irving at magpabakuna na rin.
Sinasabing nasa 96% na sa liga ang vaccinated.
Subalit hindi lamang daw si Irving ang hindi pa nagpapabakuna kundi maging ang Washington Wizards star na si Bradley Beal, Mavericks guard Trey Burkeat ilan pa.