Positibo pa rin ang Golden State Warriors na kaya pa nilang bumangon mula sa pagkakasadlak sa 3-1 deficit sa nagpapatuloy na NBA Finals.
Ayon sa Warriors superstar Stephen Curry, hindi sila maituturing na pinakamatagumpay na team at defending champion kung hindi nila kayang bumawi mula sa pagkatalo lalo na sa Toronto Raptors na hawak na ang momentum.
Giit ni Curry, buhay pa sila at habang walang koponan na nakakasungit ng apat na panalo meron pa rin silang oportunidad.
“That it’s not over,” ani Curry matapos ang Game 4. “We have been on both sides of it. And for us it’s an opportunity for us to just flip this whole series on its head, and you got to do it one game at a time.”
Batay sa kasaysayan sa NBA all-time record, sa 34 na beses na merong 3-1 deficit, tanging isang team pa lamang ang nakagawa nito at naging kampeon.
Ito ay nangyari noong taong 2016 nang maagaw ng grupo ni LeBron James na Cleveland Cavaliers ang momentum.
Ang kalaban at binigo ng Cavs na magkampeon noon ay ang Warriors.
Nasabi tuloy ni Draymund Green na sila naman ang uukit ng panibagong kasaysayan tulad ng Cavs.
“We’ve been on the wrong end of 3-1 before, why not make our own history?,” positibo pang pahayag ni Green.
Una nang sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr na umaasa siya na makababalik na rin sa Game 5 (Tuesday, June 11) o kaya sa Game 6 ang isa pa nilang star player na si Kevin Durant para makatulong sa kanilang hangad na three-peat.