-- Advertisements --

Inanunsyo na ng NBA ang mga participants na sasabak sa tatlong events na tampok sa All-Star weekend na gaganapin sa estado ng Cleveland sa Feb 19.

Magpapaligsahan ang ilang mga NBA stars sa Linggo sa larangan ng 3-point contest, slam dunk contest at ang binago na skills challenge na may tatlong teams at tig-tatlong players.

Ang bagong format sa skills challenge ay magbibigay pagkakataon sa Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na mag-team up sa kanyang mga kapatid na sina Alex (Raptors) at Thanasis (Bucks) para nagsama ng pwersa sa four-round competition upang masubok ang galing sa shooting, passing at dribbling.

Makakalaban ng Antetokounmpo brothers ang tatlong players mula sa Cleveland Cavaliers — na sina All-Star guard Darius Garland na kasama ang big men na sina Jarrett Allen at Evan Mobley, habang ang tatlong rookies ay magsasama naman na sina Scottie Barnes ng Toronto Raptors, Cade Cunningham ng Detroit Pistons at Josh Giddey mula sa Oklahoma City Thunder.

Sa unang pagkakataon ay kokoronahan ng NBA ang isang first-time winner sa dunk at 3-point contests.

Sasali kasi sa unang pagkakataon ang player ng Orlando na si Cole Anthony, ang Fil-Am player ng Houston na si Jalen Green at pambato ng Golden State na si Juan Toscano-Anderson.

Nagbabalik naman si New York Knicks’ Obi Toppin na nag-runner-up noong huling season.

Samantala sa 3-Point Contest, tatangkain muli sa ikatlong pagkakataon ni Chicago’s Zach LaVine ang korona.

Target ni LaVine na tanghaling unang player sa NBA history na maghari sa 3-point contest at dunk contest.

Kaabang abang din ang pagsali muli ng Atlanta star na si Trae Young.

Ang iba pang mga kalahok na players na first timers ay kasama rin si CJ McCollum na nalipat na sa New Orleans Pelicans, Minnesota’s Karl-Anthony Towns, Toronto’s Fred VanVleet, Memphis’s Desmond Bane, LA Clippers’ Luke Kennard at si Brooklyn Nets Patty Mills.