-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang jersey ni NBA legend Julius “Dr. J” Erving.

Ang nasabing jersey ay unang NBA road game jerey ni Erving sa Philadelphia 76ers.

Inaasahan na ang nasabing jersey ay maibebenta sa halagang $500,000.

Ginamit ang nasabing jersey sa laban nila ng Buffalo Braves sa Buffalo Memorial Auditorium sa New York noong Oktubre 23, 1976.

Sa nasabing laro ay natalo ang Sixers sa score na 108-105.

Makailang beses na rin itong ginamit ni Erving sa laro kabilang ang Chrstmas Day game noong 1976.

Ang 6’7″ na Hall of Famer ay naglaro ng 11 seasons sa Sixers kung saan nagwagi ito ng NBA title sa City of Brotherly Love noong 1983.

Naniniwala ang maraming fans na mahihigitan nito ang unang naibentang 1971-1972 Virginia Squires ABA jersey ni Erving na naibenta sa halagang $522-K noong mahigit ng dalawang dekada.

Magsisimula ang auction sa Grey Flannel Auctions sa darating na Disyembre 1.