-- Advertisements --

Kinansela ng National Basketball Association ang nakatakdang laban sa pagitan ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa banta ng Hurricane Milton.

Ang naturang laban ay nakatakda sana sa araw ng Biyernes, Oct. 11 sa Kaseya Center, ngunit dahil sa banta ng naturang bagyo ay kinailangan itong pansamantalang kanselahin.

Ayon sa NBA, gaganapin na lamang ito sa Octobre-17, ilang araw lamang bago ang pagsisimula ng regular season.

Ang bagyong Milton ay isang Category 5 na nagbabanta sa Florida, ang estado kung saan nakabase ang Miami Heat.

Ang naturang game ay ang pangalawa sana sa preseason schedule kapwa ng Heat at Hawks.