-- Advertisements --
Nasa bansa na si NBA Hall of Famer at FIBA Ambassador Dirk Nowitzki.
Dumating ang dating Dallas Mavericks player at German basketball player nitong Lunes ng gabi.
Nauna rito ay dumating naman sa bansa nitong hapon ng Lunes si Minnesota Timberwolves power forward at center Karl Anthony-Towns Jr kasama ang koponang Dominican Republic.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic sa pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup sa araw ng Biyernes.