(2nd Update) Pumanaw na ang sikat na retiradong NBA star na si Kobe Bryant matapos bumagsak ang sinakyan nitong helicopter sa Calabasas, Los Angeles, California nitong Lunes ng madaling araw (oras sa Pilipinas).
▶Hollywood sa pagpanaw ng The Black Mamba: ‘Gone too soon’
▶‘Kobe Bryant napakapropesyunal, walang kaarte-arte kapag kausap’ – sports columnist
▶Basketball great Michael Jordan nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ‘little brother’
Sa inisyal na impormasyon, sakay si Bryant sa kanyang private chopper kasama ang anak na si Gianna Marie at anim iba pa nang ito’y bumulusok.
Bagama’t nakaresponde agad ang mga emergency personnel, wala raw nakaligtas sa pangyayari maging ang piloto.
Hindi naman daw kasama sa mga biktima ang asawa ni Bryant na si Vanessa.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente.
Ang 41-anyos na si Bryant ay isa sa mga ikinokonsiderang greatest NBA players of all time kung saan humakot ito ng kabuuang 18 All-Star sa 20-taong karera nito sa Los Angeles Lakers.
Inakay din ng tinaguriang “The Black Mamba” ang Lakers tungo sa limang NBA championships, at itinanghal din ito bilang NBA Finals MVP ng dalawang beses, at league MVP noong 2008.
Nitong 2018 din nang magwagi si Bryant ng Oscar para sa kanyang short film na “Dear Basketball.”
Naulila ng mag-amang Bryant ang inang si Vanessa, at mga anak na sina Natalia, Bianca, at ang bagong silang na si Capri.