Bumisita sa Malacañang sina NBA legend Yao Ming at Dirk Nowitzki.
Personal silang hinarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil isa ang Pilipinas sa magiging host ng FIBA World Cup 2023 kasama ng Japan at Indonesia.
Kasama ng dalawang NBA legend ang ilang opisyal ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).
Sinabi ng Pangulo na nasaksihan niya noon ang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr ang nag-toss ng bola sa unang FIBA event na ginanap sa bansa noong 1978.
Hindi siya makapaniwala ngayon na mauulit ito at siya mismo na ang mag-hahagis ng bola sa mga manlalaro.
Ipinagmalaki pa ng pangulo na ang sports ay siyang nagbibigay ng magandang pagkakaisa ng mga Filipino.
Magugunitang gaganapin sa bansa ang FIBA World Cup sa buwan ng Agosto kung saan ito na ang pangalawang pagkakataon na ganapin sa bansa ang nasabing torneo.