-- Advertisements --
Nagbitiw na bilang namumuno Chinese Basketball Association (CBA) si NBA legend Yao Ming.
Sinabi nito na sa pitong taon niyang pamumuno ay hindi naging maganda ang performance ng nasabing national team.
Nananatiling sikat ang larong basketball sa China kahit na noong ito ay nagretiro na sa paglalaro sa Houston Rockets noong 2011.
Dagdag pa nito na hindi niya nakamit ang inaasam na tagumpay ng kaniyang mamamayan.
Noong nakaraang taon ay inako ng 44-anyos na dating NBA ang hindi pagpasok ng China sa 2024 Paris Olympics.
Ipinalit naman sa kaniyang puwesto si vice chairman Guo Zhenming