-- Advertisements --

Inaasahang mahigpit ang magiging tunggalian sa 30 NBA teams, dahil 10 lang ang itinatampok na maglalaro sa Disyembre 25, 2023 bilang bahagi ng taunang tradisyon nito.

Sa ika-76 na pagkakataon, nakatakdang mag-showdown ang mga nangungunang koponan at manlalaro tulad ng sumusunod:

Milwaukee Bucks vs. New York Knicks sa Madison Square Garden, Golden State Warriors vs. Denver Nuggets sa Ball Arena, Boston Celtics vs. Los Angeles Lakers sa Crypto.com Arena, Philadelphia 76ers vs. Miami Heat sa Kaseya Center, at Dallas Mavericks vs. Phoenix Suns sa Footprint Center.

Bukod dito, sina LeBron James ng Lakers, Kevin Durant ng Suns, Stephen Curry ng Warriors, Joel Embiid ng 76ers, Giannis Antetokounmpo ng Bucks, Nikola Jokic ng Nuggets naman ang inaasahang mangunguna sa showdown sa araw na iyon.

Matatandaang nanalo si Jayson Tatum bilang MVP sa 2022 Christmas showdown na may 41 points, kasama ang perpektong 10-for-10 sa free throw line, 7 rebounds, at 5 assists, na nangibabaw kay Giannis.