-- Advertisements --
Giannis Antetokounmpo 2
Giannis / IG post

Nakibahagi na rin ang NBA reigning MVP na si Giannis Antetokounmpo sa mga nagpoprotesta sa Amerika dahil sa pagkamatay ng black American na si George Floyd sa Minnesota sa kamay ng ilang mga pulis.

Nagmartsa si Giannis sa estado ng Milwaukee kasama ang ilang Bucks teammates na sina Sterling Brown, Donte DiVicenzo, Brook Lopez, Frank Mason II at Thanasis Antetokounmpo.

Agaw pansin din ang pagsasalita ni Giannis sa harap ng maraming protesters hawak ang megaphone.

Nanawagan din ito ng hustisya at pagbabago.

Ayon kay Giannis gusto niyang lumaki ang kanyang anak sa siyudad na walang katatakutan sa paglalakad sa mga kalsada.

“That’s why I’m going to march with you. I want my kid to grow up here in Milwaukee,” ani Giannis.

Samantala ang partisipasyon naman ni Brown ay umani rin nang atensiyon dahil dati na itong naging biktima  ng police brutality sa isang parking area noong 2018.

Ang paglabas ni Giannis sa kalsada ay ilang linggo bago buksan muli ang mga NBA games.