-- Advertisements --

Pinagmumulta ng NBA si Los Angeles Clippers star Patrick Beverley ng $25,000 bunsod ng verbal abuse sa isang game official makaraang matalo ang kanilang koponan kontra sa Denver Nuggets noong Game 2.

Sinabi ni NBA vice president Kiki VanDeWeghe, pinarusahan si Beverley dahil sa kanyang inasal noong laban ng Clippers kontra Nuggets nitong weekend.

Una rito, binigyan si Beverley ng dalawang technical fouls at na-eject sa game sa dulo ng fourth quarter dahil sa pagmumura sa referee.

Sa ngayon, abanse na sa 2-1 ang Clippers sa NBA playoffs best-of-seven semifinals series nila ng Clippers.