-- Advertisements --

Pinatawan ng parusa ng NBA ang Chicago Bulls at Miami Heat dahil sa paglabag sa patakaran sa free agency.

chicago bulls

Ayon sa lumabas na report ng ESPN na batay raw sa memo ng NBA, nagsagawa ang dalawang koponan ng “impermissible discussion” sa mga kinatawan ng mga players bago pa man magsimula noong Aug. 2 ang free agency.

Ang tinutukoy ng liga ay ang “premature discussions” ng dalawang koponan sa pagkuha sa guards na sina Lonzo Ball at Kyle Lowry.

Dahil dito, mawawalan na ng karapatan ang dalawang teams na makakuha ng second-round draft picks.

Inabot din ng apat na buwan ang imbestigasyon ng NBA bago maglabas ng desisyon.

Samantala, tinanggap naman ng Miami at Chicago ang parusa sa kanila sa kabila na hindi nila pagsang-ayon dito.

Hangad na lamang daw nila na “mag-move on” na sa naturang kontrobersiya.