-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong NBA player at five-time All-star player na si Walter Davis sa edad 69.
Ayon sa kampo nito na natural cause umano ang sanhi ng kamatayan nito habang binibisita ang kaanak nito sa Charlotte North Carolina.
Naging sikat na basketbolista si Davis sa North Carolina.
Taong 1977 ng naging fifth overall draft siya ng Phoenix Suns at nakuha niya ang Rookie of the Year award.
Maryoong average ito na 24.2 points kada laro.
Naglaro ito ng 11 sa 16 pro season sa Suns na nagretiro sa kaniyang numerong 6.
Lumipat ito sa Denver Nuggets ng tatlong season at Portland Trailblazers ng isang season bago bumalik sa Nuggets noong 1992 hanggang 1993 sa kaniyang huling taon na paglalaro.