-- Advertisements --
Mike Pompeo
US Secretary State Mike Pompeo/ IG post

Nakisawsaw na rin ang ilang mga politiko sa Amerika sa iskandalo na idinulot ng pagsuporta ng general manager ng Houston Rockets sa mga protesters sa Hong Kong.

Hindi raw nagustuhan ni US Secretary of State Mike Pompeo ang naging posisyon ng NBA sa China issue.

Ayon sa top envoy ng Amerika, dapat pa nga raw na punahin ng NBA ang masamang record ng China dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao.

“The Chinese Communist Party is detaining and abusing more than one million Uighur Muslims in internment camps in the Xinjiang region of China,” pahayag pa ni Pompeo batay sa ulat ng Fox News.

Samantala, dumipensa naman ang NBA sa kanilang hakbang na ipagbawal muna sa mga players ang magsalita sa media habang nasa China para sa kanilang exhibition games.

Ayon sa liga masyado nang naging komplikado ang sitwasyon matapos na magalit ang China hanggang sa pinutol na ang ugnayan ng mga Chinese companies sa mga NBA teams.

Giit ng NBA, mahirap ang kalagayan ng mga players na pasagutin sa mga isyu na may kinalaman sa China.

Una nang naglaro nitong nakalipas na araw ang grupo ni Lebron James na Los Angeles Lakers laban sa Brooklyn Nets na ginanap sa Shanghai.

“We have decided not to hold media availability for our teams for the remainder of our trip in China,” bahagi ng statement ng liga. “They have been placed into a complicated and unprecedented situation while abroad and we believe it would be unfair to ask them to address these matters in real time.”