-- Advertisements --

Nagkasundo na ang NBA at National Basketball Players Association na isagawa ang All-Star game sa Atlanta sa Marso 8 (Manila time).

Batay sa ulat, isinasapinal na lamang daw sa kasalukuyan ang detalye nito na maaaring ilabas din ngayon linggo.

Una nang kinansela ng liga ang nakagawiang All-Star Weekend, na gagawin sana ngayong buwan sa Indianapolis, dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Nakatakda ang midseason break ng NBA mula Marso 5 hanggang 10.