-- Advertisements --

Inaasahan na ni NBA Commissioner Adam Silver ang hindi pagsali ng ilang NBA players sa Olympic Games sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa pagkaantala ng pagsisimula muli ng bagong season ng NBA dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi pa ni Silver na may mga ensayong gaganapin sa nasabing training camp para sa Olympics.

Mula pa noong 1989 ay sumasali na sa nasabing international tournaments ang mga NBA players at noong 1992 Barcelona Olympics ay laging nakakakuha ng gold medals ang ‘Dream Team’ ng USA maliban lamang noong 2004 na nakuha ng Argentina an kampeonato.