Plantsado na ang harapan ng ilang mga teams na pumasok sa NBA playoffs at sa tinatawag na play-in tournament.
Sa sistema kasi ngayon ng NBA ang top six teams sa Eastern at Western conference ang agarang papasok sa playoffs.
Ang No. 6 naman hanggang No. 10 ay magbabanggaan kung sino ang dalawa pang teams ang kokompleto sa playoffs.
Ngayon ang huling araw ng regular season at narito ang inaabangang mangyayaring matchups sa darating na mga araw.
Ang defending champion na Los Angeles Lakers ay tuluyang nalaglag sa playoffs at haharapin ang delikadong Golden State Warriors sa play-in sa Huwebes sa Western Conference para sa win-or-go-home game.
Ang Grizzlies at San Antonio Spurs ay magtutuos din sa play-in.
Sa Western Conference playoffs naman magbabanggaan ang Nuggets at Portland Trail Blazers.
Ang Memphis Clippers ay haharapin ang Dallas Mavericks.
Ang mga top teams na Utah Jazz (vs. winner of 8th seed) at Phoenix Suns (vs. winner of Lakers-Warriors) ay mag-aantay sa resulta ng play-in rounds.
Sa Eastern Conference playoffs may return match ang Milwaukee Bucks at Miami na nangyari rin noong nakaraang taon kung saan namayani ang Heat.
Plantsado na rin ang New York Knicks versus Atlanta Hawks.
Ang top teams sa Eastern na Philadelphia Sixers (vs. winner 9.Pacers – 10.Hornets) at Brooklyn Nets (vs. winner of 7.Celtics – 8.Wizards) ay waiting din sa resulta ng play-in tournament.