-- Advertisements --
Hawak na ng Detroit Pistons ang NBA record na 26 na sunod-sunod na pagkatalo.
Ito ang pinakamahabang serye ng pagkatalo na naitala ng isang NBA team sa kasaysayan ng naturang liga.
Una itong naitala ng Cleveland Cavaliers noong 2010 – 2011 season. Sumunod na nakapagtala nito ay ang Philadelphia 76ers noong 2013 – 2014.
Gayunpaman, kapwa natapos ng dalawang team ang losing streak ng mga ito, pagsapit ng ika-28 na match kasunod ng 27 straight losses.
Habang ang Detroit ay hindi pa nakakaalpas mula sa naturang record at maaaring abutin ito ng 28 straight loss kung hindi maagaw ang panalo sa susunod na game.
Ang Pistons roster ngayong taon ay binubuo ng mga batang players na may average age na 25.