Magsisimula na bukas, Oct. 23 ang 2024-2025 regular season ng National Basketball Association(NBA).
Sa pagbubukas ng season, nakatakdang maglaban ang apat na koponan, dalawa sa Eastern Conference at dalawa sa Western Conference.
Sa Eastern, maghaharap ang 2024 NBA Champion na Boston Celtics at New York Knicks.
Dito ay masusubukan ng defending champion ang bagong-repormang Knicks na kamakailan ay nakuha ang bigman All-Star na si Karl Anthony Towns at shooter na si Donte Divicenzo.
Sa Western, maghaharap naman ang Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves.
Ang Wolves ang pumasok sa Western Conference Finals ngayong season ngunit tuluyan ding tinalo ng Dallas Mavericks.
Sa kabilang banda, ang Lakers ay nananatiling pinamumunuan ng mga superstar na si Lebron James at Anthony Davis.
Posibleng dito rin makikita ang pagsasama nina Lebron at anak na si Bronny sa unang pagkakataon sa regular season.
Magtatagal ang regular season hanggang sa April 13, 2025. Bawat koponan ay dadaan sa 82 games sa kabuuan ng season bago ang tuluyang pagpasok ng playoff 2025.
Samantala, gaganapin ang NBA All Star game mula Pebrero 14 hanggang Pebrero-16, 2025.
Mula Pebrero 14 hanggang a-19 ay naka-break ang NBA at magbabalik-aksyon na lamang ito sa Pebrero-20.
Magsisimula naman ang playoff sa April 19, 2025 ay magpapatuloy hanggang sa unang lingo ng Mayo.
Ang Finals ay itinakda ng NBA sa June 5, 2025.