-- Advertisements --

Hindi naitago ng isang kilalang professional basketball skills coach ang paghanga sa kakayahan ng Pinoy 7-footer at teenager na si Kai Sotto.

Si Stanley Remy, ay nagsilbing trainer ng ilang kilalang NBA players katulad ng Cleveland star na si Andre Drummond at Trevor Ariza ng Miami.

Kai Sotto Remy

Mismong si Remy ang nag-post sa kanyang official Instagram ng larawan kasama ang 18-anyos na si Sotto.

Ang management group ni Sotto na East West Private ay nag-post din ng video call niya kay Drummond.

“Great work this weekend with Kai Sotto, the sky is truly the limit,” ani Remy.

Si Sotto ay bumalik ng Amerika kamakailan matapos na hindi matuloy ang laro ng Gilas sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Ang desisyon ni Sotto ay nagdulot naman nang pagkabigo niyang makasali sa Team Ignite sa NBA G League.