-- Advertisements --

Inanunsiyo ni NBA star Blake Griffin ang kaniyang pagreretiro matapos ang 14 na taon na paglalaro.

Sa social media account nito ay isinagawa ang anunsiyo kung saan labis siyang nagpapasalamat sa bawat minuto ng kaniyang paglalaro.

Si Griffin ay number 1 overall pick ng Los Angeles Clippers mula sa Oklahoma noong 2009.

Hindi ito nakapaglaro sa unang season dahil sa injury sa tuhod subalit nakabawi ito at nakuha ang Rookie of the Year award noong 2011 at nagwagi rin ito ng All-Star Game dunk contest.

Kasama niya sa Clippers sina Chris Paul at DeAndre Jordan kung saan dahil sa mga paglipad nito sa bawat dunks ay tinawag ang koponan bilang “Lob City”.

Taong 2018 ng mailipat ito sa Detroit Pistons kung saan naging mabagal na ang kaniyang pag-dunk dahil na rin sa mga injury.

Naglaro din ang 35-anyos na si Griffin sa Brooklyn at Boston pero hindi na ito sumabak sa paglalaro nitong 2023-24 season.