Inanunsiyo ni NBA star Derrick Rose na ito ay magreretiro na sa paglalaro ng basketball.
Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang nasabing anunsiyo.
Dagdag ng tinaguriang pinakabatang Most Valuable Player ng NBA na napapanahon na ang kaniyang pagreretirosa loob ng 16-taon na basketball career.
Sa edad kasi ng 22 ay naging MVP na ito na siyang nakakuha ng record na may pinakabatang MVP sa kasaysayan ng NBA.
Siya rin ang naging number 1 overall pick ng 2008 NBA draft ng Chicago Bulls at leagues MVP noong 2011.
Naging rookie of the year siya noong 2008-2009 par asa Bulls at MVP ng dalawang season matapos ang All-Star selection sa tatlo ng unang apat na season.
Taong 2012 ng inoperahan ito sa tuhod kaya puwersahan ito na hindi makapaglaro ng halos dalawang season.
Bukod sa Bulls ay naglaro din ito sa New York Knicks, Detroit Pistons, Minnesota Timberwolves, Cleveland Cavaliers at Memphis Grizzles.
Umabot sa 24 games ito sa Grizzles noong nakaraang season kung saan mahalaga sa kaniya ang koponan dahil doon siya naglaro noong kolehiyo.