-- Advertisements --

Ibinunyag ni NBA Hall of Famer Dwayne Wade na inoperahan siya para matanggal ang cancerous tumor sa kaniyang kidney.

Sinabi ng 43-anyos na NBA star na nangyari ang operasyon noong pang Disyembre 2023.

Nakita nito kasi nagkaroon gn pagbabago sa kaniyang pag-ihi at nakakadama ito ng panghihina at pagbagal kaya kumunsulta ito sa doctor.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor kaya agad itong inoperahan para hindi na lumala.

Tinanggal umano ng mga doctor ang nasa 40 percent ng kaniyang kanang kidney.

Labis itong nagpasalamat dahil sa naagapan ang nasabing pagkalat ng sakit.

Taong 2023 ng tanghalin bilang Naismith Hall of Fame matapos ang 16 na taon na paglalaro sa NBA.

Naglaro ito sa Chicago Bulls, Cleveland Cavaliers at Miami Heat.

Mayroong itong average na 22 points, 5.4 assists, 4.7 rebounds at 1.5 steals.