Napili bilang flag bearer ng USA Olympic team sa opening ceremony si NBA star LeBron James.
Nagkaisa ang mga kapwa Olympians niya sa US na piliin si James na maging flag-bearer.
Siya ang pangatlong basketball player na unang lalaking manlalaro na magdadala ng watawat ng US sa Olympics.
Taong 2004 sa Athens Games ng mapili si Dawn Staley at noong Tokyo Games ay naganap noong 2021 si Sue Bird.
Labis na ikinatuwa ng 39-anyos na si James ang pagkapili sa kaniya kung saan hind lamang ang bansa ang ipagmamalaki niya at maging ang kaniyang pamilya at bayan.
Binati ng kapwa basketball player si James matapos na mapili siya sa flag-bearer.
Ang USA ay mayroong 592 na manlalaro na isasabak sa Paris Olympics.
Sa araw pa ng Miyerkules malalaman kung sino ang magiging kasama ni James na maging flag-bearer.
Nakasaad kasi sa panuntunan ng International Olympic Committee na dapat isang lalaki at isang babae ang maaring maging flag-bearer.