-- Advertisements --

Sinuspendi ng NBA ng 30 games si Miles Bridges.

Kasunod ito sa reklamong pananakit sa kaniyang kinakasama noong nakaraang mga buwan.

Dahil sa hindi nakapirma sa koponan at hindi nakapaglaro ng buong season ay mayroong 10 laro lamang ito na suspension sa susunod na season.

Naganap ang insidente ng pananakit noong Hunyo 27, 2022 sa Los Angeles kung saan inaresto ito.

Nagsampa ng kaso ang biktimang si Mychelle Johnson dahil sa natamo nitong sugat sa mukha, braso, binti at likod.