-- Advertisements --

Hindi maiwasang mapaluha si NBA star Vince Carter ng malaman na plano ng Toronto Raptors na iretire ang kaniyang jersey ngayong season.

Isinagawa ni Raptors president Masai Ujiri ang anunsiyo kung saan kanilang isasabit ang number 15 na jersey ni Carter sa Scotiabank Arena.

Isasagawa ang retirement ceremony ng 47-anyos na NBA star sa buwan ng Nobyembre at hindi lamang Raptors ang magsasagawa ng retirement ceremony sa kaniya maging ang New Jersey Nets na gagawin naman sa Enero 2025.

Naglaro si Carter sa NBA mula 1998 hanggang 2020 at walong beses na naglaro sa All-Star games.

Siya lamang ang tanging manlalaro sa kasaysayan ng NBA na naglaro ng 22 season.