-- Advertisements --
sports 415 loop

Nagsanib puwersa ang mga NBA players at mga Hollywood stars at singers sa Amerika para makalikom ng pondo para sa coronavirus relief.

Sa pangunguna ni Philadelphia 76ers co-owner Michael Rubin, inilunsad nito ang “All-In Challenge”.

Agad na nagpahayag naman ng suporta sina actor Kevin Hart, NBA legend Magic Johnson at mga singer gaya nina Justin Bieber at Meek Mill.

Isa aniya itong massive fundraiser para sa pagbibigay ng pagkain na apektado ng lockdown sa US.

Ang bawat interesado ay maaaring magbigay ng donasyon ng hanggang $10 at sila ay mananalo ng premyo gaya ng libreng ticket sa pelikula ng komedyanteng si Hart.

Habang si Bieber ay nangako na ang mananalo ay kaniyang pupuntahan sa bahay nila at makikipagkantahan.