Pormal ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.
Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.
Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at Kevin Durant.
Tanging sina Durant at James ang nakapaglaro ng makailang ulit sa Olympics.
Si Durant ay apat na beses na itong nakasabak noong makakuha ng gold ang USA sa taong 2012, 2016 at 2020 habang si James ay pangatlong beses pa lamang nitong maglaro na ang unang paglalaro niya ay noong 2012.
Ang mga unang pagkakataon na sasabak sa Olympics ay sina Curry, Tyrese Haliburton, Joel Embiid, Anthony Edwards at Kawhi Leonard.
Habang sina Jrue Holiday, Bam Adebayo, Jayson Tatum, Anthony Davis at Devin Booker ay pangalawang beses ng naglaro sa Olympics.
Ang pinakabatang manlalaro sa listahan ay si Edwards sa edad 22 habang ai James ang pinakamatanda sa edad nitong 39.
Ang listahan ay pinaghalong kumbinasyon ng mga baguhan at first timers kung saan ito rin ay maaaring huling paglalaro sa Olympics nina James, Curry na edad 36 ay 35-anyos na si Durant dahil maaring sa 2028 Olympics ay magreretiro na sila.
Tanging si James lamang ang aktibong miyembro ng USA Basketball team kung saan kasama ito noong 2004 USA Olympic ng magwagi sila ng bronze sa edad lamang nito na 19.
Mula pa noong 2008 ay hindi pumapalya ang USA Basketball team na nagwawagi ng gold medal sa Olympics.