-- Advertisements --

Pasok na sa gold medal match ang USA men’s basketball team sa Paris Olympics matapos na malusutan ang Serbia 95-91.

Naging malaking hamon sa USA ang laban dahil sa simula pa lamang ay dominado ng Serbia ang laban.

Umabot pa sa 17 points ang kalamangan ng Serbia at sa huling minuto ng last quarter ay pinilit ng Olympics gold defending champion na USA na habulin.

Nangibabaw sa laban si Golden State Warriors star Stephen Curry na nagtala ng 36 points at walong rebounds habang si Joel Embiid ay mayroong 19 points, walong rebounds at si LeBron James ay mayroong 16 points, 12 rebounds at 10 assists.

Sa pagtatapos lamang kasi ng first half ay hawak pa ng Serbia ang 11 points na kalamangan sa pamumuno ni Aleksa Avramovic na mayroong 15 points at Bogdan Bogdanovic na mayroong 12 points habang si NIkola Jokic ay mayroong nine points at pitong assists.

Sa last quarter ay gumana ang depensa ng USA kung saan mayroong 7-0 run si Joel Embiid at gumana ang three points shot ni Curry.

Dahil dito ay makakaharap ng five-time Olympics gold medalist na USA Team ang France habang ang Serbia ay makakalaban ang Germany para sa bronze medal game.